Friday, December 14, 2012

Perstaym ko sa Divisoria

well, di naman actually. kahit papano matagal nako nakapunta dun. dipa ako marunong mamili e dinadala nako ni mama sa Divisoria para mamili ng mga kelangan nya sa school. art teacher kasi sya. kaya yung mga materyales para sa handicrafts e binibili nya sa Divisoria at isa ako sa mga taga bitbit nya.

wala pang LRT nung nagpupunta kami. kaya mula sa Cubao, sasakay kame ng jeep papuntang Divisoria. mahigit isang oras ang byahe nun kasi nata-trapik kami sa may Legarda. madalas mainit pa at wala nang sariwang hangin sa Maynila kaya madalas nahihilo ako. pero ngayon may LRT na, mas madali nang pumunta sa Divisoria.

una kong nakikita lagi dun e yung Tutuban. ibang part nun sunog na. may nangyari lang kasi mga ilang buwan na nakalipas. pero bihira kame nakakapamili dun. dun talaga kame sa may Soler, Juan Luna -- basta yung mga nakapaligid sa Divisoria Mall. may mall naman pala dun e bakit dun pa kame sa maputik naglalagi?

nung nakasanayan ko na, at dahil halos lingguhan kame pumunta sa Divisoria, nakabisado ko na rin yung mga ilang pasikot-sikot dun. alam ko na rin kung saan mamimili ng mga gamit, damit, laruan, etc pero kasama ko pa rin si mama.

pero sobrang ingat din dapat kapag nasa Divisoria. kung anong komportable sakin, walking shorts, tshirt, tsinelas o rubber shoes e pwede na. basta makakagalaw ka sa siksikan sa mga gusto mong puntahan. basta di ka magmumukhang sobrang mayaman. ingat din sa mga posibleng snatcher. mahirap na baka di ka makauwi. pero matulungin naman yung mga tao dun. basta ikaw mismo mag-iingat.

magandang maging maagap pa sa mga okasyon, lalo na pag magpa-Pasko. pag may parating na okasyon, unti-unting dumadami yung mga namimili sa Divisoria. kaya maaga palang e listahin nyo na yung mga gusto nyong bilhin. isipin nyo, ang mumura ng mga bilihin dun, pwede pang tawaran.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


BASA PA...

18th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta 2013

post-Valentine event na po sya at sa bagong venue.

gaganapin ika-21 hanggang 24 ng Pebrero 2013, ang 18th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta ay gagawin sa Omni Aviation Complex -- dun pa rin sa Clark Freeport Zone, Pampanga. saksihan ang mahigit 20 kalahok na mga hot air balloons mula sa iba't ibang bansa at pati ang kalahok mula sa Pilipinas sa apat na araw ng saya at exhibition ng iba't ibang sasakyang pang himpapawid.

kung may ilang katanungan, tumawag sa 384-0085 o kaya'y mag-email sa info@philballoonfest.net. ang kanilang official website at www.philballoonfest.net

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


BASA PA...

Sunday, March 4, 2012

Perstaym ko sa San Sebastian Church

ilang beses na rin ako naimbitahan ni Irish sa mga raket namin.

oo, rumaraket ako. tumutulong kami sa mga ikakasal para i-coordinate ang lahat ng mga kailangan sa kasal. kailan lang e nagpunta kami sa Century Park Hotel sa Maynila. ako ang ginawang groom's assistant ng Tan - Untivero wedding. mabait naman yung couple. pero sa loob ko kabado din ako. pero lagi ko yung hinaharap nang nakangiti. malayo pa man ang panahon para ikasal ako at least nagkakaroon ako ng idea kung pano ko papagandahin ang sarili kong kasal.

o sya, ititigil ko na ang page-EMO. mabalik tayo sa perstaym experience ko.

sa San Sebastian Church sa may Recto ginanap ang kasalan. mula pang alas-3 ng hapon e may nakaline-up nang ikakasal kaya bawal ang ma-late sa mga entourage. kailangan maaga at may sariling policy ang mga taga-simbahan. naechapwera kaming mga coordinator. pero sa totoo lang, napadali ang mga trabaho namin... at least ang susunod na po-problemahin namin e yung sa reception na.
maganda sa loob ng simbahan ng San Sebastian. mala-Gothic ang design na para ka ding nasa Lord of the Rings. pati yung mga detailed nilang stained glass windows at life-sized images e agaw-pansin. may pulpito pa rin na malayo sa altar na pang-sinaunang panahon. sakto lang ito para sa mga ikakasal na gusto na may pagka-sinauna ang environment.

magarbo din yung altar. pansin na pansin ang design na pareho ng pagkakagawa sa exterior ng building. itinatak talaga ang pagkakakilanlan sa San Sebastian.
ginawang heritage site ang simbahan ng San Sebastian noong 2006.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


BASA PA...

Thursday, December 1, 2011

Holiday List para sa Pilipinas sa taong 2012

inilabas na ng Malacanang ang listahan ng mga posibleng "long weekends" para sa susunod na taon. mukhang mapapadalas at magiging magastos ang susunod na taon para sa mga bakasyunista. basahin ang mga sumusunod halaw sa Proclamation No. 295 Series of 2011.

SECTION 1. The following regular holidays and special days for the year 2012 shall be observed in the country:
A. Regular Holidays
New Year’s Day - January 1 (Sunday)
Maundy Thursday - April 5
Good Friday - April 6
Araw ng Kagitingan - April 9
Labor Day - May 1
Independence Day - June 12
National Heroes Day - August 27
Bonifacio Day - November 30
Christmas Day - December 25
Rizal Day - December 30

B. Special (Non-Working) Days
Chinese New Year - January 23
Ninoy Aquino Day - August 21
All Saints Day - November 1
Additional special (non-working) day - November 2
Last Day of the Year - December 31

C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary - February 25

basahin ang kabuuan ng nilalaman ng proklamasyong ito sa http://www.gov.ph/2011/11/24/proclamation-no-295-s-2011/. so maghintay na ng mga seat sale at mag-book ng hotels nang maaga para masaya!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


BASA PA...

Saturday, November 5, 2011

Perstaym ko sa Ilog Maria

pagkatapos namin mag-farmville sa Gourmet's at maging maglulupa sa Alfonso, Cavite, pumunta naman kami sa isang side trip sa Ilog Maria. medyo palabas na ito ng Silang pero maraming gustong pumunta dito dahil sa mga produkto ng honeybees. tamang tama at naiihi lahat kaya nung pagpasok namin sa loob e pumila agad kame sa CR. maganda ang loob ng CR. at hindi amoy baboy dahil sa maraming halaman sa paligid. presko at sariwa ang hangin. abot kamay lang namin ang mga kulungan ng bubuyog pero wag daw kaming matakot. ayon sa may-ari na si Joel Magsaysay, nasesense daw ng mga bubuyog kung natatakot tayo kaya pwede nila tayong atakihin. lalo na rin kung mabaho ka, mas lalapitan ka ng bubuyog.

Joel Magsaysay (Owner, Ilog Maria Honeybee Farm)
kinuwento nya sa amin ang mga simulain ng Ilog Maria Bee Farm. mga himalang naganap doon at mga nagamot na may-sakit. at kung pano sila nakakatulong sa kalikasan sa mga alternatibong pamamaraan ng pagkuha ng kuryente at tubig. marami silang pinaggagamitan ng tubig-ulan, hangin at kahit mantika e pinagdiskitahang gawing gasolina sa sasakyan. malapit na raw dumating ang araw na hindi na nila kelangan ang Meralco at baka sila pa ang magbenta ng kuryente.
pero ang star dun e yung mga bubuyog. maliban sa mga produktong hinaluan ng honey, meron din palang ibang silbi yung buntot nila kahit natusok ka nito. tulad ng nasaksihan namin na isang pasyente na unti unting lumiit ang kanyang sakit sa leeg pero ginamot sya ng sting ng bubuyog. yun din daw ang lunas sa pagkaparalisa ni Joel Magsaysay noon.
pagkatapos ng maraming talakayan, pumunta na yung mga kasama ko sa tindahan. iba ibang produkto na may honey. kandila, pampahid sa mukha o katawan, atbp. maganda ang ginawa nyang pagkakalat ng mabuting epekto ng pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga bubuyog lalo na ng kalikasan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


BASA PA...

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008