Monday, May 16, 2011

Perstaym ko sa Pahiyas sa Lucban

naaalala ko pa yung perstaym ko pumunta sa Lucban, Quezon para sa Pahiyas. mga 8 years old ako nun at dko napansin o naappreciate yung ganda ng Pahiyas. muntik na rin akong maligaw nun at baka kung hindi ako nakita ng mga nakakatanda sa akin e malamang na nanlilimos nako ngayon... o baka gumagawa ng kiping. hahaha

so ayun, after 19 years e nakabalik ako ng Pahiyas. nagkita kita muna kame nina Flow, Alex at Cath sa Ayala MRT. (pansinin ang order ng pagdating nila, pero si Cathie ang pinakamatagal dumating.) tapos tumulak kame papuntang Las Pinas para kitain naman ang boyfriend ni Cathie na si Abe. bumili siya ng sapatos at kumain kame sa North Park bago bumiyahe papuntang Lucban.

pero dumaan muna kame sa Liliw, Laguna. halos isang oras din ang tinagal namin dun kasi masarap tumingin ng mga sapatos at tsinelas. nakabili ako ng Tribal na tsinelas, Php 50 lang. si Flow naman nakabili ng espadril na Php 400. di nya alam na pwede pang tawaran yun. di na napigilan e maganda nga naman yung sapatos sa murang halaga.

pagkabyahe ulit namin, maraming iikutan. mahaba at makipot ang daan. paakyat at pababa tapos biglang liko. mahihilo ka talaga pero kung maayos naman ang pagmamaneho, ok naman yun. at least pagpasok nyo ng Quezon, Lucban na agad ang makikita nyo. makikita nyo ang Bundok ng Susong Dalaga at iba't ibang falls at batis na napakagandang tignan.

ibang iba na ang Lucban sa naaalala ko. mas maraming bahay ngayon. di tulad dati na kitang-kita ko ang Bundok Banahaw saan man ako tumayo. nagpapataasan na rin ang mga bahay sa lugar. pero d pa rin nagbabago ang lamig at linaw ng tubig mula sa bundok na ginagamit pampaligo, panghugas, pang-inom dahil sa linis nito. wag lang yung sa kanal ha.

dumating kame sa Lucban Bethel Temple at dun kame magpapalipas ng gabi. mainit ang pagtanggap samin ni Tita Gloria pati ng mga church mates nila. naabutan ata naming nagppraktis sila para sa service nang linggong yun. dinner pa lang e parang pyesta na. inisip ko na mafu-food coma ako sa Pahiyas. at nagkatotoo nga. ang sasarap ng mga hinanda nila. sinigang, lumpiang ubod, organic rice at tilapia. tapos nung agahan naman e tinapa, longganisa, kamatis at itlog na maalat. nung tanghalian naman e adobo, palabok at kare-kare. na dapat hindi nyo pinapalampas.

May 14 ng gabi e gumala na kame sa mga lansangan ng Lucban. buti nalang at malapit kame sa simbahan at mga Pahiyas. maganda na sya kahit tinatapos palang yung iba. nakapagpa-picture na nga kame sa mga bahay na pwedeng pumasok.

punung puno ng pagkain bawal bahay. lahat ata ng gulay sa Bahay Kubo e makikita mong nakasabit kasama ng mga makulay na kiping. pabonggahan at pagandahan ang mga bahay dahil Php 50,000 ang premyo. kung may text votes ito, mananalo talaga ang bet mo.

lahat nang yan alay sa kanilang Mahal na Patron, San Isidro Labrador. dko alam na may asawa pala sya, si Santa Maria Torralba dela Cabeza. nakita ko nalang nung pagpasok namin sa simbahan.

nagkaroon din ng parada. mga sponsors, parikitan at saka Bisak Gayak na mga kalabaw.

bago kame umuwi e kumain pa kame sa kaibigan ni Cathie sa Lucban. d talaga mawawala ang pansit habhab na ibang tawag lang sa pansit Lucban. habhab lang kasi yun ang paraan ng pagkain mo sa kanya. hahab-habin mo yung pansit sa dahon ng saging at lagyan mo ng suka. bumili ka na rin ng pasalubong ng maaga bago ito magkaubusan ng araw ng piyesta dahil sa mga turista.

mag-eenjoy ka talaga pag nasa Pahiyas.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


3 comments:

Gillette

Hi Omar! I was in the Bloggers Fiesta Manila @ Sm Cyberzone. And I must say u're really funny and nice MC as well as Flow. Di pa ko nakapunta ng Pahiyas Festival pero gustong gusto ko talaga pumunta, wala lang makasama at wala din kc akong friend na taga-Lucban. Sa TV ko lang toh nakikita parati :)

Oh by the way, I'm also a member of Pinoy Bloggers Group at FB, u commented nga sa isa ko atang comment saying... "Cornerin na yan si Gillette!" :)

Lette's Haven

ohmski

@Gillette: ow what happened? sana lumapit ka. ang saya dba? see you next event.

Gillette

uu nga masaya talaga :)

Post a Comment

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008